Wednesday, February 13, 2008

Sampung prutas - sure you will laugh....

May 3 hunters na nahuli ng mga cannibals sa gubat. Dinala sila sa harap ng
tribal chief para siya ang pupugot ng ulo.
Nagmakaawa yung mga hunters at naawa naman yung chief.

Chief: Sige hindi namin kayo papatayin, sa isang kondisyon. kailangan
isa-isa kayong mangolekta ng 10 pirasong prutas. dalhin nyo iyon dito at
saka ko sasabihin ang sunod nyong gagawin.

Naghiwa-hiwalay ang tatlong magkakaibigan. Unang dumating si Pedro,
dala-dala'y 10 oranges.

Chief: Ngayon, ipasok mo ang lahat ng mga prutas na iyan sa iyong puwet.
Kailangan ay hindi magbabago ang mukha mo. Konting ngiwi o ngiti lang ay
pupugutan ka agad namin ng ulo.

Unang orange pa lang ang pinapasok ay napa-sigaw agad si Pedro. Agad siyang
pinugutan ng ulo.

Sunod na dumating ay si Juan, dala-dala'y 10 lansones. Tuwang-tuwa siya ng
in-explain sa kanya nung Chief kung ano ang kailangan nyang gawin.

Juan: sus! sisiw lang pala. kayang-kaya! buti na lang maliit na prutas ang
kinolekta ko. naipasok ni Juan ang mga lansones sa kanyang puwit ng walang
problema. Ngunit nung nasa pang-10 prutas na siya, bigla siyang napatawa.
Pugot-ulo agad ni Chief.

Pagkamatay ay napunta agad si Juan sa langit kung saan nakita niya si Pedro.
Nagkausap ang dalawa.

Pedro: Sayang Juan! pinapanood kita dito sa langit habang ginagawa mo yung
utos. Isang lansones na lang hindi mo pa tiniis! Buhay ka pa sana ngayon.
Ano bang nangyari sayo?

Juan: Pare, ang dali-dali ngang ipasok nung mga lansones. Kaso, nung
matatapos na ako bigla kong nakita si pareng Jose --- may dala-dalang 10
langka!

No comments: